top of page

​

​

1. Paano po ang Enrolment?

Wala pong face to face enrolment. Hindi ninyo na kailangang magpunta pa sa school para ipaenroll ang inyong mga anak.

​

2. Paano po ang proseso ng enrollment?

Kayo po ay kinakailangang ma-interview para sa mga mahahalagang detalye. Sa pamamaraang:

A. Phone call

B. Text

C. Messenger

D. Pag sagot sa Learner Enrollment and Survey Form (Please refer to the links given above)

        Iniiwasan po natin ang pagkakaroon ng face to face interaction bilang safety precaution for Covid 19.

​

3. Paano na po yung mga sumagot na sa ONLINE ENROLMENT/SURVEY?

Para po sa mga nakapagparegister, nakapagpaenroll na gamit ung online survey, automatic enrolled na po kayo. Ngunit kulang ang mga detalyeng hiningi sa online survey. Kaya hinihikayat parin po na makapagpaenroll through phone calls, text or messenger para makumpleto yung kulang na impormasyon.

​

4. Magkakaroon po ba ng face to face na klase?

Iniiwasan po natin ang face to face na klase para sa safety ng bata at ng teachers. Ayon po sa Learning Continuity Plan ng Deped, nakaangkla ito sa prinsipyo ng mapangalagaan ang safety and well-being ng learners, teachers at other personnel.

​

5. Ibig bang sabihin ONLINE na?

May tinatawag po tayong LEARNING DELIVERY MODALITIES or paraan kung paano matuturuan ang bata. Isa po diyan ang DISTANCE LEARNING:

Ito po yung dalawang klase:

A. Online Distance Learning

B. Modular Distance Learning

​

Ang ONLINE DISTANCE LEARNING ay para sa mga batang may gadgets na maaaring magamit tulad ng android phone, laptop, desktop at tablet. Para po ito sa mga may maayos na Internet connection.

MODULAR DISTANCE  LEARNING po ay ang paggamit ng mga printed modules and worksheets na sasagutan ng bata sa bahay.

​

6. Paano naman po kung walang gadget at wala ring internet connection?

Meron po tayong ibang Learning Delivery Modality para sa kanila.

         1. Meron po tayong MODULES at WORKSHEETS.

         2. Magkakaroon din po ng DEPED TV Channel.

​

        Sinisiguro po ng Deped na sa kabila ng krisis na dala ng Covid, hindi po hihinto ang pagkatuto ng ating mga anak. At ang ibat ibang Learning Delivery Modalities po natin ay pinag-aralan ng DepEd para lahat ng bata ay tuloy paring makapag-aral may gadget man o wala, may Internet man o wala.

​

Note:

      Class advisers will contact each learner in their advisory class from S.Y. 2019-2020 using the contact information found in SF1 and data obtained from Early Registration. Contact will be done remotely with priority given to phone calls, SMS, and social media (e.g. Facebook messenger).

For inquiries, please contact the following EFPs (Enrollment Focal Persons) of the school by Grade Level via SMS/messenger:

​

For incoming Grade 7:         Sir  Larry Lim                                0927-757-5543

For incoming Grade 8:         Sir Mark Angelo Catibog               0949-194-3432

For incoming Graded:          Ma'am Catherine Ditan Salosa       0939- 581-5141

For Incoming Grade 1:         Ma'am Maricel Mayo Lopez          0910-467-0291

For incoming Grade 11:       Sir Bren Pasia                               0930-613-4222

                                         Ma'am Winnie Catapang              0927-757-4623

For incoming Grade 12:       Ma'am Maribel Alcantara             0915-563-1147

                                         Ma'am Jacqueline Clerigo             0928-697-4434

Note: Please click the icon to directly contact the assigned teacher.

 

DOCS.GOOGLE.COM

Sico 1.0 National High School (Grade 7-12) Online Enrollment

​

Re-ENROLLMENT FOR S.Y. 2020-2021

​

From June 1 to June 30, 2020

© 2020 SICO 1.0 NATIONAL HIGH SCHOOL (GRADE 7-12)

bottom of page